18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Php2.2 milyon, ipinamahagi ng DSWD FO2 sa mga benepisyaryo ng BP2 program sa lalawigan ng Nueva Vizcaya

Namahagi ng Transitory Support Package na nagkakahalaga ng Php2,200,000 ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang BP2 ay isang programang humihikayat sa mamamayan mula urban na lugar na bumalik sa kanilang mga bayan at tumulong na mapabuti ang kalidad ng buhay sa mga lugar na ito.

Naglalayon din itong isulong ang pag-unlad sa kanayunan at pagandahin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipinong nakatira sa malalayong lugar.

21 na benepisyaryo ng Dupax Del Sur, 12 mula sa Dupax Del Norte, at 11 mula sa Kasibuo ang nabigyan ng tig-P50,000 bilang parte ng Transitory Support Package ng programa.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Regional Director Lucia Suyu-Alan, Officer-In-Charge Division Chief ng Promotive Services Division na si Pasencia T. Ancheta, at ilang mga opisyales ng lokal na pamahalaan.

Nais ng ahensya na ihatid ang Maagap at Mapagkalingang Serbisyo.

Source: DSDW Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles