Ginanap sa Bacnotan People’s Hall ang Regional Assessment ng Department of the Interior and Local Government para sa Seal of Good Local Governance kung saan nagtapos ito nito lamang ika-16 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Sumailalim ang lokal na pamahalaan sa onsite at table validations para matiyak na patuloy ang pagsasagawa ng mga proyekto, programa, at aktibidad alinsunod sa sumusunod na indicators: (1) Financial Administration and Sustainability; (2) Disaster Preparedness, (3) Social Protection and Sensitivity; (4) Health Compliance and Responsiveness; (5) Sustainable Education, (6) Business-Friendliness and Competitiveness; (7) Safety, Peace and Order; (8) Environmental Management, (9) Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; at (10) Youth Development.
“We hope that this assessment will help us bring our PPAs to a notch higher so we can give what is due to our constituents, ani Mayor Divine Fontanilla.
Dagdag pa ng alkalde, nakadirekta ang lokal na pamahalaan sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Bacnotan kasama ang bawat sekta ng lipunan.
Binigyang pansin naman ni Vice Mayor Francis Fontanilla sa kanyang mensahe sa exit conference na patungo na ang Bacnotan sa mas maganda pang kinabukasan at aasahan din na ikokonsidera ang rekomendasyon ng regional assessment team.
Patuloy ang lokal na Pamahalaan ng Bacnotan sa pagpapaigting ng programa at pagpapatuloy ng isang tapat, may malasakit, at may pusong pamamahala tungo sa mas maunlad na munisipalidad para sa nasasakupan nito.
Source: Bacnotan, La Union