Boluntrayong sumuko sa mga awtoridad ang anim na dating rebelde sa Aurora nito lamang Martes, ika-13 ng Hunyo 2023.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang anim na dating rebelde ay miyembro ng grupong Regional Sentro Gravidad of the Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley na nag-ooperate sa probinsya ng Isabela.
Kasabay ng kanilang paglagda ng suporta sa gobyerno, ay kanila ding isinuko ang mga armas at mga subersibong kagamitan na ginagamit laban sa pamahalaan.
Samantala, pinagkalooban ng mga awtoridad ang mga nasabing rebelde ng tulong pinansyal at binigyan ng food packs.
Sinisiguro ng gobyerno na patuloy ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga mamamayan tungo sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.