Ibinahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Php1.66M na halaga ng farm machineries sa ilalim ng Sustainable and Resilient Agrarian Communities (SuRe ARCs) Project noong ika -12 ng Hunyo 2023 na idinaos sa Lingayen, Pangasinan.
Ang Bayanihan Hundred Islands Agrarian Reform Cooperative, Paed Limaquita Farmers Irrigators Association Inc. at Patnubay Multi-Purpose Cooperative ang maswerteng tumanggap sa nasabing farm machineries.
Nagsagawa ng simpleng turn-over ceremony sa Provincial Training and Development Center II sa Lingayen, Pangasinan na dinaluhan ni Governor Ramon V. Guico III at ilan pang matataas na opisyal ng ating probinsiya.
Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo kay Secretary Conrado M. Estrella III sa patuloy na tulong at suporta sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs).
Panulat ni Manlalakbay