Kilala ang Indigenous Peoples (IPs) sa Balasi, Flora, Apayao sa kanilang galing at angking talento sa paggawa ng kamangha-manghang hand-crafted nito vine products na kasalukuyang mabibili sa DTI-Apayao at public markets sa naturang lalawigan.
Kabilang sa kanilang produkto ang handwoven basket na dinisenyo kagaya ng “labba” o sa ibang probinsya, tinatawag nila itong “laga”, isang termino na tumutukoy sa household item na ginagamit na lagayan o pinag-iimbakan ng pagkain.
Ang nasabing handwoven baskets ay gawa mula sa finely split rattan, bamboo o nito vine, kung saan ito ay may iba’t ibang hugis, sukat at disenyo.
Ang nito vine ay isang halaman na kabilang sa fern family at ang pinakamahirap hanapin na raw material dahil ito ay tumutubo lamang bilang secondary forest cover na nakakapit sa mga puno at bato.
Bukod sa basket ay ang iba pa nilang handicraft products gaya ng trays, hats at jars na may iba’t ibang disenyo at mabibili sa pampublikong pamilihan ng Flora at mga souvenir shop, ganundin, ito ay binibili ng mga indibidwal/organisasyon na ibinibigay bilang token.
Samantala, nangako naman ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Flora para sa patuloy na produksyon ng naturang mga produkto.
“It is high time that the local products, especially the products of the IPs, should be promoted nationally,” saad ni Governor Elias Bulut Jr.