Umaabot sa 5,250 na mga kabataan ng Sto. NinĢo at Claveria ang naging benepisyaryo sa 4th tranche ng āMagSAKAbataan Programā ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
Ayon kay Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist, ang 5,250 na kabataang benepisyaryo ay nabigyan ng punla ng gulay katulad ng talong, sili, kalabasa, kamatis, ampalaya, patola, at upo na kanilang itatanim at pararamihin sa kanilang mga bakuran.
Ang bayan ng Sto. NinĢo ay nasa 3,255 na mga kabataan mula sa 31 na barangay ang nabigyan ng mga itatanim na punla ng gulay.
Ang bayan naman ng Claveria ay 1,995 na mga kabataan na mula naman sa 19 na barangay.
Ang 4th tranche ng nasabing programa ay sinimulan noong ika-9 ng Marso taong kasalukuyan at patuloy na isinasagawa sa mga bayan ng Probinsya.
Ang programa ay inisyatibo ni Governor Manuel Mamba na nasa ilalim ng programang No Barangay Left Behind (NBLB) na may layuning maturuan ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga gulay na pangunahing kailangan sa panahon ng krisis.
Source: Cagayan Provincial Information Office