23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

1,269 Senior Citizens sa Mangaldan, tumanggap ng social pension mula sa DSWD

Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang social pension para sa unang anim na buwan ng taon, laan sa 1,269 na indigent senior citizens ng bayan ng Mangaldan nitong ika-26 ng Mayo 2023 sa Municipal Grounds.

Personal na ipinarating ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang pasasalamat sa DSWD Region 1, MSWDO, Community Affairs Office (CAO) at iba pang kawaning naroon at tumutulong para mapabilis ang proseso at mapanatili ang kaayusan ng pila.

Pinaalalahanan ni Mayor Bona ang mga senior citizens na sila ay magpalakas ng kanilang pangangatawan, ingatan ang kanilang natanggap na pera at gamitin ito sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Joel C. Ramos, MSWDO Focal Person on Senior Citizens, lahat ng mga hindi nakarating na rehistradong mga benepisyaryo o kanilang otorisadong kinatawan ay sa buwan na ng Hulyo tatanggap.

Paalala ni Rowena de Guzman, Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer, matatanggap naman ang laang social pension para sa susunod na anim na buwan ng taon sa buwan ng Disyembre.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles