Nagtalaga at nakahanda na ang Quick Response Asset (QRA) at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Rehiyon 2 sa kani-kanilang District Engineering Offices (DEOs) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Bagyong Mawar/Betty.
Ang mga pangkat na ito ay naka-istasyon na sa 32 strategic na lokasyon sa Lambak ng Cagayan, na nakatuon sa mga lugar na madalas ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Nilagyan ng mga espesyal na kagamitan, sasakyan at ang mga koponan ay magiging available 24/7 para sa highway clearing at rescue operations na kinabibilangan ng dump trucks, loader, road grader, chainsaw at generator.
Sa probinsya ng Cagayan nakaposisyon ang mga ito, sa lugar ng Taggat, Claveria, Libertad, Abulug, Cagayan 2nd District Engineering Office, 1st District Engineering Office sa Dalaya, Buguey, Magapit section, Lallo, Baybayog-Baggao-Dalin, Bitag Grande, Baggao at 3rd District Engineering Office sa Lingu, Solana, Parabba Peñablanca, San Gabriel, at Tuguegarao City.
Sa Isabela naman, ang mga ito ay nasa 1st District Engineering Office sa Ilagan City, 2nd District Engineering Office sa Quezon at Roxas Isabela, 3rd District Engineering Office sa Naguilian, at 4th District sa San Isidro Isabela.
Sa Nueva Vizcaya naman ay nasa 1st District gaya ng Nagsabaran, Diadi, Bagabag-Kasibu-Solano Road at Bambang; 2nd District sa Aritao- Quirino Road.
Sa probinsya naman ng Quirino ay sa 1st District sa Cordon-Aurora Cabarroguis, Maddela, Aglipay, Nagtipunan, Dupax-Wasid-Nagtipunan Quirino.
Ganoon na rin sa Batanes kung saan nakapreposition ang mga kagamitan ng DPWH R02 sa Mauyen Airport, Basco, San Vicente-Chavayan-Nakanmuan Road at Batanes District Engineering Office.
Nananatiling nakatuon ang DPWH Office 2 sa pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente sa harap ng paparating na bagyo.
Source: Cagayan PIO