Boluntaryong isinuko ng tatlong concerned citizen ang kanilang loose firearms sa mga awtoridad nito lamang ika-25 ng Mayo 2023.
Batay sa ulat, isinuko sa mga awtoridad ang kanilang mga baril na parehong mga Caliber 22, walang bala, walang serial number, walang markings, at walang live ammunitions.
Ang nasabing pagsuko ay kaugnay sa mas pinaigting na kampanya laban sa paggamit ng ilegal na armas sa buong lalawigan ng Cordillera.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mamamayan na isuko ang mga hindi rehistradong baril upang makaiwas sa posible nitong maidulot na kapahamakan.