Itinanghal ang isang Cordilleran Ultra Runner bilang 2023 Hardcore 100 Miles -King of the Mountain Trail Run Champion na ginanap sa Kayapa, Nueva Vizcaya nito lamang ika-19 ng Mayo 2023.
Kinilala si Rhys Inso Pawid, tubong La Trinidad, Benguet, isang Senior Inspector sa Bureau of Jail Management and Penology kung saan natapos niya ang kauna-unahang 100 mile trail race sa Pilipinas sa oras na 28 hours, 25 minutes at 12 seconds.
Ang mga kalahok sa nasabing 100-kilometer trail race ay dumaan sa mga daan na maputik, tuyong sapa, mga damuhan at forest trails na sinabayan ng malakas na buhos ng ulan kung saan nadaanan din ang dalawang major peaks, ang Mount Pulag Tower na may taas na 2,800 meters above sea level (MASL) sa Kabayan, Benguet at ang Mount Ugo na may taas naman na 2,150 MASL.
Matatandaan na si Pawid ay tinanghal din bilang overall champion sa ginanap na Mount Pulag 100 King of the Mountain Trail Run noong ika-22 ng Abril 2023.