18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bagong gusali ng Bravo Company ng 17th Infantry Battalion, pinasinayaan

Pinasinayaan ang bagong gusali ng 17th Infantry Battalion, Bravo Company sa Gagabutan West sa Rizal, Cagayan noong ika-13 ng Mayo 2023.

Lubos ang pasasalamat ng buong pamunuan ng grupo sa pangunguna ni Lt. Col. Oliver Logan kay Cagayan Second District Representative Baby Aline Vargas-Alfonso, sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Lokal na Pamahalaan ng Rizal sa pagpapatayo ng bagong gusali.

Ayon kay Engr. De Reli Dalmaceda, OIC ng District Engineer ng DPWH 2nd Cagayan District Engineering Office, ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng DPWH-Department of National Defense (DND) Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad o TIKAS Program.

Dagdag pa nito na ang napasinayaan ay ang Phase 1 ng nasabing proyekto na napondohan ng 15 milyong piso at 7.5 milyong piso para sa taong 2021 at 2022.

Aniya, nagpanukala na rin ang kanilang ahensya ng karagdagang 15 milyong piso para sa taong 2024 at 47 milyong piso para sa taong 2025.

Sa naging mensahe naman ni Cagayan Second District Representative Baby Aline Vargas-Alfonso, pinasalamatan nito ang mga naging partner niya upang maisakatuparan ang bagong mga gusali sa Bravo Company na kinabibilangan ng Admin Building, barracks at quarters.

Aniya, taong 2014 pa nang nakipag-ugnayan sina Mayor-Elect Joel Ruma at Rizal Acting Mayor Atty. Brenda Ruma para sa naturang proyekto na hinanapan naman ng pondo ng DPWH.

Samantala, muling nanawagan si Lt. Col. Logan sa publiko na patuloy na suportahan ang kasundaluhan sa kampanya nito na tapusin na ang insurhensiya. “Huwag na po tayong matakot. Sana tulungan niyo kami. Ang kalaban natin ay dumating na sa punto na bugbog-sarado na. Parang sa boxing, isang suntok na lang para ma-knock out sila. Magtulungan tayo sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon para mapuksa na ang mga natitirang rebelde,” ani ng Commander ng 17IB.

Source: PIA Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles