Nadiskubre ang pinakamalaking puno sa Rehiyon ng Cordillera ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources sa Danglas, Abra nito lamang Mayo 10, 2023.
Ang puno ay tila ba mala-higante na tinatayang may circumference na 2,000CM at may taas na 35 meters na matatagpuan sa Mt. Sedir Nagaparan, Danglas, Abra.
Sinukat ito base sa diameter at breast height na opisyal na ginagamit sa pagsukat ng mga puno.
Ang puno ay magsisilbing tourist destination kung ito ay papagadahin at aalagaan na makakatulong sa pagyabong ng turismo sa probinsya ng Abra.