14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

2 Former Rebels nakatanggap ng Livelihood Assistance sa Kalinga

Dalawa na naman nating kababayan ang mamumuhay ng payapa at makakapagsimula ng bagong buhay sa piling ng kanilang pamilya matapos magbalik-loob at nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Department of Interior and Local Government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ginanap sa Capitol Hills, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-5 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ni Provincial Administrator Teddy E. Gullay bilang kinatawan ni Hon. James S. Edduba, Provincial Governor-ECLIP Committee Chairperson kasama sina DILG Kalinga Provincial Director Anthony Manolo Ballug, PSWDO Rosemaritez A. Oyawon, mga kinatawan ng MICO, Philippine Army at PNP.

Ang dalawang benepisyaryo ay nakatanggap ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng Php65,000 bawat isa na gagamitin sa pagpapatayo ng kanilang sariling sari-sari store.

Patuloy naman ang paghihikayat ng gobyerno sa mga natitira pang mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan para makapamuhay ng payapa kapiling ang kanilang pamilya at iwan ang grupo na walang dala kundi karahasan at terorismo na balakid sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa ating pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles