18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

2RCDG, RESCOM Phil Army, nakiisa sa RESCOM-Wide Bloodletting Activity

Nakiisa ang 2nd Regional Community Defense Group, Reserve Command ng Philippine Army sa isinagawang RESCOM-WIDE simultaneous bloodletting activity na ginanap sa Multi-Purpose Hall, H2RCDG, RESCOM, PA, Camp Melchor F Dela Cruz (Annex), Brgy. Soyung, Echague, Isabela noong Mayo 06, 2023.

Ito’y pinangunahan ni Col Monib T Mamao INF (GSC) PA, Group Commander, kasama ang mga tauhan ng 2RCDG, reservists ng 1602nd RRIBde, at ROTC Cadets ng Isabela State University (ISU-Echague Campus) na aktibong nakilahok sa RESCOM-WIDE simultaneous bloodletting activity na may temang “Pangkat ResCom, Maasahan Sa Dugong Tugon, Para Sa Kapwa Pilipino”, sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical Center (SIMC).

Ang nasabing aktibidad ay sinamahan din ng apat (4) na Community Defense Centers kasama ang kanilang Ready Reserve Infantry Battalion at ROTC Units kasama ang kani-kanilang partner na ospital/Blood Bank Centers.

Layon ng aktibidad na magkaroon ng sapat na suplay ng ligtas at madaling magpakukuhaan ng dugo para sa mga partner na ospital/ blood bank center na maaaring magamit ng Regular Personnel, Reservists, ROTC Cadets, Civilian Human Resources, Dependents at karapat-dapat na civilian entity kung kinakailangan.

Source: 2 RCDG Phil. Army, reserved command

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles