18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pambato ng Benguet sa 2023 Miss Universe Philippines nanalo bilang 2nd Place sa ginanap na National Costume Competition

Nanalo bilang 2nd Place ang pambato ng Benguet na si Joemay Leo sa katatapos lamang na 2023 Miss Universe Philippines National Costume Competition na ginanap sa Leyte Normal University, Tacloban City nito lamang ika-4 ng Mayo 2023.

Ang salad costume ni Miss Universe Philippines – Benguet ay dinisenyo ni Lhee Wel Toki na hango mula sa Adivay Festival ng Benguet.

Ito ay binubuo ng tatlong parte: una ay ang tinatawag na “Kayabang” na sumisimbolo sa masaganang ani ng nasabing probinsya at siya ring provincial symbol; pangalawa ay ang bodysuit na tinatakpan ng tradisyonal na disenyo ng probinsya na sumisimbolo ng kalusugan, magandang kinabukasan, at pagkakaisa ng mga Cordillerans; at ang ikatlo naman ay ang “halampay”, isang hand-painted piece naman bilang pagkilala sa mga magsasaka at lahat ng Igorot tribe sa kanilang pagsisikap sa trabaho.

Samantala, ang pambato naman ng Baguio City na si Krishnah Marie Gravidez ay hinirang bilang Tingog ng Filipina Luzon kung saan ang kanyang suot naman ay naglalarawan ng kanyang lugar na mayaman sa kultura at nakakabighaning landscapes.

Habang ang pambato naman ng Apayao na si Kristeen Mae Boccang ay ipinamalas ang kanyang “Durarakit” National Costume na ipinapakita ang mayaman na kultura ng mga Isnag, ganundin ay bilang pagkilala sa mga magsasaka.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles