Pangasinan – Napirmahan na ng pamahalaang lungsod ng Pangasinan ang joint development agreement sa CS First Green Agri-Industrial Development Inc., URIT Limited Philippines Corporation, at China Energy International Group para sa establishimentong Solar Power Project sa halagang US$503 milyon.
Ayon kay Hon. Ramon Guico III, Governor ng Pangasinan, ang proyektong solar power ay itatayo sa bayan ng Dasol at Infanta, Pangasinan.
Ayon pa kay Gov. Guico, sa pamamagitan ng Solar Power, 321 megawatts ang madadagdag nito bilang renewable energy na kinakailangan kapasidad sa taong 2027 sa nasabing bayan.
Dagdag ni Gov. Guico, ang proyekto ay bahagi ng kanilang Economic Agenda sa ilalim ng Provincial Economic Development and Investment Promotion Office (PEDIPO).
Inaasahan ng Pamahalaan ng lungsod na makakatulong ito sa Energy Crisis sa mga nabanggit na bayan.