15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bee-da Dagiti Agmanmaneho: TODA Cup- Slalom Racing, isinagawa sa Bacnotan, La Union

Nagkaroon ng “Bee-da Dagiti Agmanmaneho: TODA Cup-Slalom Racing”, sa tapat ng Munisipyo ng Bacnotan, La Union nito lamang ika-3 ng Mayo, taong kasalukuyan bilang pagdiriwang ng Diro Festival.

Nagpasiklaban ang mga kalahok mula sa Bacnotan, La Union Small Transport Tricycle Operators and Drivers Association sa naturang paligsahan.

Pinaunlakan naman ni Vice Mayor Francis Fontanilla ang mga dumalo sa nasabing programa.

Ipinagbigay alam din ni Mayor Divine Fontanilla, ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa mga drivers. Isa na rin ang patuloy na pakikipagtulungan sa La Union Tek-Bok Training Provider Inc., upang mahasa pa ang mga nagmamaneho.

Nagbigay din ng kanyang mensahe si Sangguniang Bayan Member Edijer Valmonte, Committee Chairperson ng Transportation habang paunahing pandangal naman sa nasabing aktibidad si Sangguniang Panlalawigan Member Gerard Ostrea.

Nangangako naman ang mga namumuno sa munisipalidad ng Bacnotan, La Union, na kanilang patuloy na ilalapit ang serbisyo sa mamamayan upang matulungan nila ang mga ito na magkaroon ng mas maganda pang buhay.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles