15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

31 Kawani ng DENR, nagtapos ng ENR Frontline Course

Matagumpay na nakapagtapos ang 31 na kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 ng ENR Frontline Course na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-2 ng Mayo 2023.

Sa naturang pagtatapos, ang mga nakapagkamit ng valedictorian, salutatorian at 1st honorable mention ay sina Mathematician Aide I Jaynaliza Ribunal at Administrative Aide VI Jovelle Marie Catiwa ng PENRO Quirino at Maria Luisa Quintero ng CENRO Alcala.

Sa pahayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2, hinikayat ang mga bagong graduates na gawin ng maayos ang kanilang tungkulin kagaya ng maayos na pamamahala at pagpapatuloy na pagsagawa ng pagsasanay sa mga kawani.

Pinasalamatan din niya ang Regional Mobile Training Team at ang Secretariat na pinangunahan ni Assistant Regional Executive Director Ismael Manaligod and Enforcement Division Chief Joel Daquioag, sa isinagawang first seven-day ENRA Course nitong taon at pagpapatuloy na pag-unlad ng naturang kurso para sa mga kawani.

Layunin ng kursong ito na maiangat ang kakayahan ng mga kawani at maisagawa ng tama ang bawat natutunan para sa pag-unlad ng bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles