15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

202 na mga aplikante, hired on the spot sa isinagawang Labor Day Job Fair ng DOLE R02

Hired ‘on-the-spot’ ang 202 job seekers sa isinagawang Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 02 kasabay ng selebrasyon ng Labor Day, kahapon, ika-1 ng Mayo 2023.

Sa datos ng Department of Labor and Employment Region 02 (DOLE 2), umabot sa kabuuang 1,306 ang aplikante na dumagsa sa mga job fair site na itinayo sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya.

Ilan sa mga trabahong pinilahan mula sa 134 employers na kasama sa job fair ay ang sales personnel, production crew, cashier, bagger, driver, transport crew, nurse, accountant, medical technologist, at iba pa.

Bukod dito, nagkaroon din ng Labor Education and Employment Coaching kung saan tinalakay ang General Labor Standards (GLS) para sa mga empleyado.

Mayroon ding inilagay na One Stop Shop kung saan direktang makukuha ang mga requirements sa pag-apply katulad ng NBI at Police Clearance.

Ayon kay OIC-Regional Director Jesus Elpidio B. Atal Jr., ang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng ahensya para sa publiko upang sila ay magkaroon oportunidad na magkaroon ng trabaho.

“All of these activities are part of DOLE’s convergence approach to ensure a more holistic take on providing employment facilitation service to our beneficiaries, an approach we take on providing employment facilitation service to our beneficiaries, an approach we hope can be replicated in other job fair activities in the future”, ani OIC-RD Atal, Jr.

Samantala, ang tema sa Labor Day ngayong taon ay “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino”.

Source: DOLE Region 2/Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles