Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal sa mga awtoridad ang isang loose firearm sa Aurora Hill, Baguio City nito lamang ika-29 ng Abril 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente sa mga tauhan ng Baguio City Police Office Aurora Hill Police Station ang isang Homemade Caliber 22 Magnum, na may 11 rounds ng live 22LR ammunition at walang serial number.
Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng may-ari para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Oplan Katok at Oplan Sita bilang bahagi ng Anti-criminality Campaign ng Baguio City PNP.
Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), pag-aresto sa mga wanted persons, anti-illegal logging at anti-illegal gambling activities.
Ito ay naglalayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.