15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Youth Leadership Summit 2023, isinagawa sa lalawigan ng Nueva Vizcaya

Nakiisa ang Nueva Vizcaya General Comprehensive High School sa 2023 Youth Leadership Summit (YLS) na inorganisa ng Armed Forces of the Philippines na ginanap sa Bayombong, Nueva Vizcaya mula Abril 29-30, 2023.

Naging posible ang aktibidad sa inisyatibo ng 86th Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army, sa pamumuno ni Civil Military Operations (CMO) Officer 1Lt Melvin B Pepino.

Sa unang araw, dumalo ang mga kalahok sa mga pag-uusap tungkol sa kamalayan sa sarili, binigyang halaga din ang papel ng kabataan sa bansa.

Sa ikalawang araw naman ay tinalakay at nagkaroon ng aktibidad patungkol sa epekto ng social media sa pag-uugali ng kabataan, wastong pamamahala sa oras at financial literacy, at CTG Youth Infiltration at Army Recruitment.

Bukod dito, nagsagawa din ng election of officers na kakatawan sa munisipalidad sa Youth for Peace Advocacy, at ang mga sumusunod na nahalal ay sina Pres. Josiah M. Policarpio, Vice Pres. Isac King D. Saquing, Secretary Angelica D. Cada, Treasurer Nikki L. Gañgan, Auditor Kimberly Joy E. Acpal, Representative for Solano – Carl Bryan Capin, at Representative for Bayombong – Aviona Mariel Larida.

Ang Youth Leadership Summit ay naglalayon na magbigay sa mga kabataang indibidwal ng isang plataporma upang magkaroon ng tamang kamalayan, ugnayan sa isa’t isa, at kapangyarihan tungo sa boses ng pagbabago at pagpapaunlad sa kanilang mga komunidad bilang isang youth leader.

Source: 5ID Startroopers, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles