Natagpuan ng mga awtoridad ang mga inabandonang ilegally sawn lumbers sa Sitio Dagonoy, Brgy. Patay, Sagada, Mt. Province nito lamang ika-25 ng Abril 2023.
Ayon sa ulat, walong piraso ng 1x10x10 at 66.67 board feet na sukat ng mga kahoy na may estimated market value na Php2,000 ang natagpuang abandonado sa nasabing lugar na agad naman naiturn-over ng mga awtoridad sa Forester Charles Magwa, Cenro-Tadian.
Ang ilegal na pamumutol ng kahoy sa Mt. Province ay mahigpit na pinagbabawal ng lokal na pamahalaan at pagbibigay suporta sa Department Energy and Natural Resources (DENR) sa pangangalaga ng kalikasan.
Pinapayuhan naman ang publiko na ihinto ang mga ilegal na gawain sa mga kabundukan para sa pangangalaga ng kagubatan upang makaiwas sa mga landslide at soil erosion .