Nagkaisa ang mga miyembro ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa pagsagawa ng Tree Planting Activity kaugnay sa Earth Day nito lamang Sabado, ika-22 ng Abril 2023.
Pinangunahan ito ng City Environment and Natural Resources sa pamumuno ni Engineer Donato Dizon katuwang ang iba’t ibang opisina na nilahukan ng 33 barangay council ng Angeles.
Nagtanim ang mga ito ng punong kawayan sa magkabilaan ng Abacan River sa Angeles City.
Layunin ng pamahalaan na makatulong na maprotektahan ang ating mundo laban sa polusyon at deforestation sa pamamagitan ng pagtatanim ng punong kahoy sa ating kapaligiran.