14.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mga Student Leaders sa Nueva Vizcaya, nakilahok sa oryentasyon para sa pagtatatag at pagpapanatili ng nursery

Aktibong nakilahok ang mga Student Leaders sa probinsya ng Nueva Vizcaya sa oryentasyon para sa pagtatatag at pagpapanatili ng nursery bilang pakikiisa sa Greening Actions on Earth Month.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Nueva Vizcaya na nilahukan ng mga naturang Student Leaders ng Supreme Student Government at Youth for the Environment in Schools Organization (YES-O) mula sa Diadi National High School.

Nakilahok din ang mga mag-aaral sa kanilang nasasakupan mula sa Dupax del Sur National High School at Dupax del Norte National High School kasama ang Casat National High School ng Bayombong kung saan pinangasiwaan ng CENR Office Dupax at PENR Sub-Office (Bayombong).

Sa pahayag ni PENR Officer Giovannie Magat, madiin niyang binanggit ang kahalagahan ng tungkulin ng mga kabataan sa pag-aalaga at pag-iingat ng kapaligiran. Hinimok din niya ang mga kalahok na manguna sa kanilang mga paaralan para sa pagsuporta ng adbokasiya at misyon ng DENR.

“The DENR will always be here to welcome and acknowledge your support and commitment. At your young age, you can already make a difference,” dagdag pa niya.

Samantala, si Lito Patricio, clonal nursery staff ay pinangunahan ang oryentasyon at demonstrasyon sa proseso ng clonal propagation. Inilibot din ang nga kalahok sa iba’t ibang dako ng clonal nursery partikular ang rooting chamber, hardening shed, hedge garden at germination shed.

Bilang tungkulin sa pagpapanatili ng malinis at malusog na kapaligiran, lahat ng kawani ng PENR at CENR ay nangunguna sa sabay-sabay na clean-up drive sa mga nasasakupang clonal nurseries ng naturang probinsya. Ang mga kawani naman na nakatalaga sa labas ay nagsasagawa ng soil potting activity para sa paghahanda ng seedling production.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles