14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

DPWH isinakatuparan ang kalsada para sa mga magsasaka sa Gattaran, Cagayan

Gattaran, Cagayan

Sa hangaring matulungan at suportahan ang mga magsasaka sa rehiyon 2 ay natapos na ng DPWH – Cagayan First District Engineering Office ang mga proyekto sa kalsada na naglalayong mapabuti ang transportasyon para sa mga local farmers.

Ang mga ginawang access road na ito na nagkakahalaga ng Php30 Milyon na nagdudugtong sa ilang komunidad ng pagsasaka sa pinakamalapit na mga sentro at bayan ng pamilihan.

Bago matapos ang proyekto, ang mga magsasaka ng saging sa lugar ay kailangang maghatid ng kanilang mga pananim sa pamamagitan ng isang sira-sirang kalsada, na nagpahaba at nagpapahirap sa mga magsasaka kung kaya’t kadalasang nagreresulta sa pagkasira ng kanilang mga ani.

Ngayon, sa pagkumpleto ng kalsada, ang mga magsasaka ng saging ay maaaring maghatid ng kanilang mga kalakal nang mas mabilis at maayos na pagbiyahe kung saan tiniyak na ang kanilang mga ani ay darating sa merkado sa pinakamaayos na kondisyon.

Ayon kay District Engineer Oscar G. Gumiran, layon din ng proyekto na mas madali silang maabot ng mga serbisyong medical lalo na sa pag-aabot ng tulong para sa kalusugan at edukasyon.

Ang mga natapos na access road ay ang mga sumusunod: Jct. Gattaran – Cumao-Capissayan Road patungo sa Banana Plantation sa Brgy. Capissayan Norte, Capissayan Sur, Piña Este, at Piña Weste, lahat sa Gattaran, Cagayan.

Ang kalsada ay isang convergence project sa ilalim ng Department of Trade and Industry at pinondohan sa ilalim ng DPWH 2022 Regular Infrastructure Program.

Source: DPWH Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles