Upang itaguyod ang road safety, environmental benefits, healthy lifestyle at socio-economic advantages ng pagbibisikleta, ang Cagayan Valley Center for Health Development sa pamamagitan ng Health Promotion Unit kasama ang lokal na pamahalaan ng Sta Maria, Isabela ay nag-organisa ng Mr. and Ms. Bikers Champ na dinaluhan ng mga siklista mula sa iba’t ibang edad.
Katuwang at umalalay sa kaligtasan ng mga bikers ang Health Emergency Management Unit, Communications Management Unit, Philippine National Police, at Traffic Management Group.
Nagsilbing starting point ng aktibidad ang St. Peter Metropolitan Cathedral kung saan nagkaroon muna ng registration samantala, ang end point nito ay sa Sta Maria Municipal Gym.
Pinaalalahanan at hinimok ng mga nag-organisa ang lahat ng mga kalahok na unahin ang kanilang kaligtasan habang binabagtas ang kalsada. Binigyan din ng briefing ang mga kalahok at tiniyak na ang lahat ay may kumpletong safety gear bago sumali sa aktibidad.
Pinasalamatan ng Sta. Maria Municipal Health Office ang lahat ng tumulong upang maisagawa ang aktibidad. Hinikayat din ang mga kalahok na patuloy na suportahan ang mga susunod pang aktibidad ng CVCHD at ng kanilang lokal na pamahalaan upang mapaigting ang pagsulong para sa malusog na Pilipinas.
Nakatanggap ng mga sertipiko ang lahat ng dumalo at nabigyan ng premyo ang mga naunang sampung bikers sa endpoint.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong isulong ang isang malusog na pamumuhay na may kasamang disiplina sa kalsada at mabigyan ang ideya ang mga kalahok sa environmental benefits ng pagbibisikleta gaya ng mapabuti ang kalidad ng hangin.
Source: Department of Health Regional Office 2