16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Lalaki arestado ng mga pulis dahil sa pagpugut ng ulo ng kapitbahay sa Tarlac City

Isang lalaki ang pinugutan ng ulo ng kanyang kapit-bahay na di umano’y may sakit sa pag-iisip sa Tarlac City noong ika-1 ng Pebrero ng taong kasalukuyan.

Agad rumisponde ang mga tauhan ng Police Community Precint 5 (PCP 5), Tarlac City Police Station sa isang insidente ng pananaga sa Barangay Tibag, Tarlac City, kung saan isang lalaki ang nanaga ng kanyang kapitbahay. Nakilala ng mga pulis ang suspek na si Rommel Apolinario y Corcuera, 42 taong gulang habang ang kanyang biktima na si Vivencio Colipano y Ginoo, 45 taong gulang parehong residente ng Sitio Parabora, Brgy. Tibag, Tarlac City.

Ayun sa inisyal na imbestigasyon, bandang 12:30 ng hapon nagtungo sa PCP 5 Tarlac City PS ang barangay Kagawad na si Manny M. Taqui upang ireport ang suspek na kasulukuyang nag aamok sa kanilang barangay. Agad naman rumisponde ang mga pulis sa lugar ng insidente at doon nadatnan nila ang suspek na tumatakbo hawak ang kanyang itak at pugot na ulo ng biktima.

Sinubukan di umano na pakalmahin ng mga pulis ang suspek subalit hindi ito sumunod, sa halip ay sinugod nito ang isang opisyal na pulis at akmang hampasin nya ito ng itak. Kaya dito na binaril ni PCMS Danilo M. Manalili ang kanang binti ng suspek at tsaka pinosasan.

Dinala ng mga pulis ang suspek sa Tarlac Provincial Hospital upang mabigyang lunas ang binti nito. Napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay may sakit sa pag-iisip at gumagamit din umano ng ipinagbabawal na droga. Kasalukuyang pinoproseso ng Tarlac Provincial Forensic Unit ang kaso ng suspek at haharap ito sa kasong Murder.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles