Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng tatlong araw na Water Search and Rescue (WASAR) Training sa Lallo, Cagayan na natapos nitong Biyernes, Marso 31, 2023.
Pinangunahan ang naturang pagsasanay ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO) at nilahukan ng 20 kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Lallo.
Ayon kay Chaldea Izah Sayo, isa sa mga trainor mula sa Provincial DRRMO, tinutukan nila sa training ang paghasa sa kakayahan ng mga kalahok sa basic rope rescue, high angle rescue, at basic swimming na siyang kinakailangan sa pagganap ng kanilang tungkulin sa panahon ng kalamidad.
Source: Cagayan Public Information Office