Pinangunahan nina City Mayor Arth Bryan C. Celeste at City Vice Mayor Jan Marionne R. Fontelera, ang pinakahihintay na Talaba-Ihaw-ihaw sa kahabaan ng Central Business District ng Alaminos, Pangasinan na nilahukan ng iba’t ibang sektor sa lungsod.
Layunin ng nasabing aktibidad na ipagdiwang ang pagkakabuklod-buklod ng talaba producers at fisherfolks sa lungsod at bilang pasasalamat na rin ito sa kanilang Patron na si St. Joseph the Carpenter sa masaganang ani ng talaba sa Alaminos taon-taon.
Layon din nito na isulong at mas palakas at mapa-unlad pa ang produksyon ng talaba, na isa sa mga pangunahing mariculture products ng lungsod at upang hikayatin ang mga eco-friendly mariculture projects na magbibigay ng karagdagang kabuhayan sa mga marginalized fisherfolks sa lungsod.
Panulat ni Manlalakbay
Source LGU Alaminos