14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

6 na Cagayano, nabiyayaan ng wheelchair mula sa PGC

Hinandugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) ng wheelchair ang anim na may kapansanan mula sa tatlong bayan ng Cagayan.

Ang mga nabiyayaan ay lima (5) mula sa Sta. Ana at isa (1) sa Gonzaga na kung saan personal na nagtungo ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development na pinangunahan ni Helen Donato, Head PSWDO at ibinahagi ang mga wheelchair na ipinagkaloob ng Free Wheelchair Mission at Children’s International Philippines, Inc. sa PGC para sa mga mamamayang Cagayano na nangangailangan nito.

Ayon kay Social Welfare Officer III Restituto Vargas ng PSWDO, ang mga ibinahagi na wheelchair sa anim na benepisyaryo ay dumaan umano sa masinsinang proseso at hindi lamang umano ito basta ipinagkaloob dahil sa kagustuhan ng pasyente kundi ito ay sinusuri din ng mga doktor at tinitiyak na ang wheelchair ay naaayon sa kondisyon ng isang pasyente.

Samantala, pinaabot ni Vargas na ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng PSWDO para sa sambayanang Cagayano, ay tuloy-tuloy kahit na nakabinbin pa rin sa Sangguniang Panlalawigan ang pag-apruba sa 2023 Annual Budget.

Bukod sa pagkakaloob ng wheelchair, tuloy-tuloy din ang pagkakaloob ng PSWDO ng medical assistance para sa mga pasyenteng walang sapat na pampagamot maging ang paghahanda ng assessment, measurement at delivery ng prosthesis sa mga potential beneficiary.

Source: Cagayan CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles