Nasa 21 na jeepney drivers/operators ang tumanggap ng livelihood kit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), Office of Transport Cooperatives (OTC), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iginawad sa Aritao Central Terminal sa pamamagitan ng EnTSUPERneur Project.
Ang EnTSUPERneur Project ay may layunin na tulungan ang mga displaced jeepney drivers and operators na naging apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang proyekto ay pumapaloob sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUV-MP). Kasabay ng paggawad, ang DOLE din ay nagsagawa ng pagtuturo hinggil sa Business and Work Improvement Course (BWIC) na siyang magagamit ng mga benepisayaryo para sa mga kanilang livelihood Projects.
Bakas ang ngiti sa mukha ng mga benepisyaryo sapagkat sila ang nahandugan ng mga kits gaya ng mga kagamitan para sa Carwash service, Retailing ng bigas, Dressmaking at tailoring, Sari-sari Store, kagamitan sa Auto mechanics, Vulcanizing, Welding at mga aparato sa paghahanda ng pagkain (Vending Machine) na nagkakahalaga ng Php30,000 pesos bawat isa.
Ang nabanggit na pamamahagi ay pinangunahan ng DOLE-Nueva Vizcaya Field Office sa pangunguna ni Chief Elizabeth Martinez, sa pangangasiwa ni Mayor Remilina Peros-Galam at sa mga panauhin mula sa OTC at LTFRB.
Source: Nueva Vizcaya PIA