Nagsagawa ng house to house Rabies Vaccination ang City Veterinary Office ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao City noong Biyernes, ika-10 ng Marso 2023 sa Brgy. Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Ito ay pinangunahan ni City Veterinarian, Dr. Pastor Tumaliuan Jr. kasama ang mga estudyante ng College of Veterinary Medicine ng Cagayan State University, mga barangay officials at barangay Health Workers sa pagbakuna sa mga alagang aso ng mga residente ng nabanggit na lugar.
Umabot sa 497 na mga alagang aso ang nabakunahan o katumbas ng nasa 246 households sa nabanggit na barangay ang napagsilbihan ng City Vet ng Lungsod.
Nakatakda naman sa susunod na linggo ang pagbabakuna sa mga alagang aso sa mga barangay ng Bagay, Pallua Sur at Pallua Norte.
Ang mass rabies vaccination ng City Veterinary Office ay isa sa mga pangunahing aktibidad ng nasabing tanggapan bilang pag-obserba ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso.
Source: Tuguegarao City Information Office