18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Kayapa Coffee Processing Center na nagkakahalaga ng 8.4M pesos, pormal nang magbubukas sa susunod na buwan

Pormal ng magbubukas sa susunod na buwan ang Kayapa Coffee Processing Center para sa mga magsasaka ng kape sa bayan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Ginoong Bernard Calixto, Presidente ng Nansiakan Labang Forestland Management Association, (NLFMA) ang nasabing proyekto ay pinondohan ng ahensya ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) na nagkakahalaga ng Php8.4M.

Dagdag pa ni Ginoong Calixto, 288 na miyembro ng Brgy. Nansiakan ang mabebenipisyuhan sa programang ito na kung saan 120 sa kanila ay Coffee Farmers na meron 200 hektarya na tinatamnan at itinatayang merong 120,000 seedlings ng Arabica Coffee.

Sinuportahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Agency’s Industry Cluster Enhancement Program ang naturang proyekto.

Idinagdag pa ni Calixto na sa pagbubukas ng proyekto ay maitataon na anihan ng kape sa nasabing lugar na siyang makakadagdag ng pondo para makabili pa ng ibang makinarya na magagamit para sa proyekto.

Source: PIA Nueva Vizcaya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles