Lubos ang tuwa at pasasalamat ng mga estudyante na mula sa pitong (7) bayan sa Cagayan sa natanggap na Agkaykaysa Scholarship Assistance na hatid ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong Miyerkules, ika-8 ng Marso 2023.
Pinangunahan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang unang Ginang ng Cagayan, ang nasabing distribusyon kasama sina Provincial Treasurer, Mila Mallongga; Provincial Agriculturist, Pearlita Mabasa; Provincial Office for People Empowerment Head, Vince Lucas; Provincial Consultant, Vicente Binasoy; mga kinatawan mula sa CSU Piat, at lokal na pamahalaan ng LGU Piat.
Tumanggap ang humigit kumulang 1,000 estudyante mula sa mga nabanggit na lugar ng tig-Php3,000 scholarship assistance para sa ikalawang semestre ng S.Y. 2022-2023.
Karamihan sa mga tumanggap ay mga mag-aaral ng Cagayan State University-Piat, habang ang ilan naman ay nanggaling pa sa kani-kanilang mga bayan para tanggapin ang tulong pinansyal.
Kabilang sa mga tumanggap ay mula sa bayan ng Piat, Sto. Niño, Rizal, Tuao, Amulung West, Alcala West, at Solana.
Source: Cagayan Provincial Information Office