Nagsagawa ang pamunuan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng dalawang araw na pagsasanay kaugnay sa Gender and Development (GAD) sa mga focal person ng mga Departmento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na ginanap sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan nito lamang araw nito lamang Marso 6, 2023.
Ito ay dinaluhan ng may kabuuang 48 na GAD focal person mula sa bawat tanggapan ng Pamahalang Panlalawigan ng Cagayan at ilang kinatawan mula sa Civil Society Organization (CSO).
Ayon kay Roland Calabazaron, Assistant Provincial Planning and Development Officer, ang naturang pagsasanay ay ginawa upang magkaroon ng capability building ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) ng GAD at upang magkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang bawat miyembro.
Tugon din umano ito ng kanilang tanggapan sa Executive Order ni Governor Manuel Mamba na mare-organize o ma-reconstitute at ma-train ang bawat miyembro ng TWG ng GAD upang masuri ang estado ng GAD program ng PGC.
Kaugnay nito, ay hiningi ni Calabazaron ang atensyon ng bawat kalahok at pokus sa mga tatalakayin ng bawat naimbitahang speaker upang sa ganoon ay lubos nilang maunawaan ang mga dapat na gawin upang makapag-propose ng magandang approach at makita ang mga intervention na ipapakilala sa naturang pagsasanay sa GAD.
Ilan sa mga tinalakay sa naturang pagsasanay ay ang Basic Gender and Development Concepts and Principles; LGU GAD Planning and Budgeting amidst Full Devolution; Harmonized Gender and Development Guidelines (HDGD) at Review Parameters/Criteria na sinundan ng Training and Workshop.
Source: Cagayan Provincial Information Office