Ayon sa tala ng Provincial Health Office, bumaba sa 7 ang nasawi sanhi ng rabies sa taong 2022 kumpara sa 10 noong 2021.
Ayon kay Dr. Cielo Almoite, Provincial Health Officer for Public Health Service, na bumaba ang bilang ng mga kaso ng rabies sa lalawigan mula noong 2018 dahil sa antas ng kamalayan ng mga residente sa pagkuha ng anti-rabies shots kung makagat ng hayop.
Dagdag ni Dr. Almoite, na epektibo ang mga programang ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan at Provincial Veterinary Office at patuloy ang kanilang pangangampanya upang ibaba at maging walang kaso ng rabies sa nasabing lalawigan.
Sa kabila ng limitadong suplay, pinaalalahanan ni Almoite ang publiko na ang bakuna sa rabies para sa mga nakagat ng hayop ay magagamit at libre.