Nagsagawa ang probinsya ng Pangasinan ng Women’s Reproductive Health Fair for Provincial Government Employees kaugnay sa pagdiriwang ng 2023 Women’s Month na ginanap sa Sison Auditorium, Pangasinan nito lamang Lunes, Marso 6, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga empleyado ng Kapitolyo na may temang “We for Gender Equality & Inclusive Society”.
Pinangunahan ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) ang nasabing aktibidad na pinamumunuan ni PPCLDO Officer Ellsworth Gonzales.
Ang mga serbisyo na ibinigay sa nasabing aktibidad ay ang serbisyo medical kaugnay ng reproductive health ng mga kababaihan tulad ng free papsmear.
Kasama dito ang mga lectures at iba pang talakayan tungkol sa reproductive health, responsible parenthood at family planning, breast at cervical cancer awareness, HIV/AIDS Awareness at iba pang wellness services.