Nagkaroon ng Monitoring and Evaluation (M&E) ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa kanilang opisina para sa mga nabigyang pinansyal na tulong sa DSWD Emergency Cash Transfer (ECT).
Ayon sa DSWD Field Office 1, ito ay upang malaman at matukoy kung gaano ka-epektibo ang programa at kung saan ginamit ng mga benepisyaryo ang perang natatanggap.
Ang ECT beneficiaries ay ang mga apektadong pamilya at indibidwal ng mga kalamidad.
Naging daan din ang nasabing aktibidad upang mas lalo pang mapalawig at malinawan ang kaalaman ng mga benepisyaryo at makita ang halaga ng programa.