Nagbayanihan ang mga parolees at probationer sa pamamagitan ng paglilinis sa bahagi ng Alaminos River sa Brgy. Poblacion, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Pebrero 18, 2023.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng restorative justice and therapeutic community program ng DOJ-Parole and Probation Administration-Alaminos City Office sa pangunguna ni Chief Parole and Probation Officer Nicanor Taron.
Ang programang ito ay tuloy-tuloy na ācommitment at contributionā ng grupo sa sustainable environmental conservation, protection and rehabilitation program ni Mayor Arth Bryan C. Celeste at ng pamahalaang lungsod ng Alaminos City, Pangasinan.
Sa gabay ni Agriculturist II at Project in Charge, Gester I. Tolentino, matagumpay at regular na naisasagawa ang monthly-clean up at maintenance activities ng grupo sa ating mga ilog, mga parke, adopt a mountain project sites at ilang pasilidad at komunidad sa ating lungsod.
Habang aktibo namang nilahukan ng Poblacion Brgy. Council, Girls Scouts, at mga mag-aaral na sumasailalim sa work immersion program ng DepEd Alaminos City Division.
Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikakabuti ng ating mamamayan.