Ininspeksyon ng mga tauhan ng City Government ng Angeles ang mga panindang karne sa mga pampublikong pamilihan ng Angeles City nito lamang Biyernes, ika-17 ng Pebrero 2023.
Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan ng City Meat Inspection Division katuwang ang Business Licensing Division at Angeles City Tourism Auxillary.
Samantala, kasabay ng kanilang pag-inspeksyon sa mga karne ay nagbigay ang naturang grupo ng kaalaman sa mga tindero at tindera patungkol sa RA 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines at RA 8485 o The Animal Welfare Act of 1998.
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang mga panindang karne ay ligtas para sa mga mamamayan ng naturang lungsod.