14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DSWD ng Rehiyon 2, patuloy sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng kalamidad

Pinangunahan ng Disaster Response Management Division ng Department of Social Welfare and Development Field Office Region 2 (DSWD 02) ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) at Cash-for-Work (CFW) payout para sa mga naapektuhan ng kalamidad ng bagyong “Paeng” sa mga lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa patuloy na pagsisikap ng nasabing ahensya ay nakapagbigay ng may kabuuang Php49,000 na tulong pinansyal sa anim na benepisyaryo sa Nagtipunan, Quirino noong ika-10 ng Pebrero at Php329,000 sa 41 na benepisyaryo sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Nueva Vizcaya noong ika-14 ng Pebrero.

Ang mga benepisyaryo ay mga pamilya na ang mga bahay ay bahagya o ganap na nasira sa pananalasa ng bagyong “Paeng”.

Ang aksyon ng kagawaran katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay pagpapakita ng maagap at mapagkalingang serbisyo publiko lalo na mga naapektuhan ng kalamidad.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles