22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Kannawidan Ylocos Festival, Ipinagdiwang sa Ilocos Sur

Ipinagdiwang kamakailan ng buong Lalawigan ng Ilocos Sur ang Kannawidan Ylocos Festival bilang paggunita sa pagkakatatag ng Probinsiya.

Noong 1818, sa kautusan ng Hari ng Espanya ay hinati ang Ilocos sa dalawang probinsiya, ang Ilocos Sur at Ilocos Norte, na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng kontrol sa pulitika at wasakin ang madalas na paghihimagsik ng mga Ilocano laban sa monopolyo ng tabako, basi at suka.

Ang nasabing pagdiriwang ay isang pamamaraan ng mga Ilocano para pasalamatan ang Poong Maykapal hindi lamang sa masaganang pagpapala kundi maging sa mayamang kultura ng lalawigan.

Ito ay isang pagdiriwang na nagpapakita ng mga katutubong pagtatanghal, mga ritwal sa relihiyon pati na rin ang mga cooking demos na nagtatampok ng mga pagkaing Ilokano.

Ang Kannawidan Ylocos Festival ay ipinagdiriwang mula huling linggo ng Enero hanggang sa unang linggo ng Pebrero.

Source: Provincial Government of Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles