Binawi ng 18 dating rebelde ang kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF at nagbalik-loob sa pamahalaan sa Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-11 ng Pebrero 2023.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang mga nasabing rebelde ay mga magsasaka ng Sitio Alfonso, Llanera, Nueva Ecija at mga dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid mula sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon.
Ang mga naturang rebelde ay pumirma ng kanilang Oath of Allegiance bilang patunay sa kanilang suporta sa gobyerno.
Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan, masugpo ang terorismo, inhursensiya at kriminalidad sa bansa.