18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Laying at Groundbreaking Ceremony ng Pambansang Pabahay, isinagawa sa Isabela

Nagsagawa ng Laying at Groundbreaking Ceremony para sa Pambansang Pabahay ng Administrating Marcos sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela noong ika-31 ng Enero 2023.

Inilatag ang 100 shelter units na itatayo sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng naturang administrasyon ng bansa.

Sabay na isinagawa ang isa pang groundbreaking sa Quezon City, kung saan dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama si DHSUD Sec. Jerry Acuzar.

Ang aktibidad sa Cauayan City ay dinaluhan nina DHSUD Undersecretary for Planning and Institutional Partnerships Henry Yap, DHSUD Asst. Sec. Daryll Bryan Villanueva, Asst. Secretary for Flagship Program, Krizzy Crawford, Asec.Tiburcio Canlas, Asec. Johnson Domingo at DHSUD Region 02 Director Peter Daniel Fraginal.

Kasama rin ang mga lokal na opisyal ng Cauayan City sa pamumumo ni Mayor Caesar Dy, Jr. at mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Region 02.

Ito ang kauna-unahang 4PH groundbreaking activity sa Lambak ng Cagayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles