19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mga magsasaka at mangingisda sa tatlong bayan sa Cagayan, nahatiran ng tulong pinansyal

Tuwa at pasasalamat ang naging tugon ng mga magsasaka at mangingisda sa tatlong (3) bayan sa lalawigan ng Cagayan ng makatanggap ng tulong  pinansyal noong ika-25 ng Enero taong kasalukuyan.

Pinangunahan ng Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba, ang distribusyon ng tulong sa mga benepisyaryo na kung saan nakatanggap ang mga ito ng tig-Php1000 mula sa bayan ng Camalaniugan na binubuo ng 480 katao; 730 katao mula sa Buguey, at sa Lal-lo ay 750 katao.

Ang pagbibigay ng tulong ay inisyatibo ni Gov. Mamba para sa mga naapektuhan ng bagyo at baha sa probinsya. At ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist na pinamumunuan ni Dr. Pearlita P. Mabasa.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Mabasa, umaabot na sa 13,845 na benepisyaryo mula sa 20 bayan ng lalawigan ang nakatanggap na ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles