Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development Region 2 ng Php3 milyong halaga ng tulong sa Enrile at Tuguegarao City, Cagayan nitong Disyembre 18, 2022.
Nakatanggap ang 500 indibidwal na apektado ng Bagyong Paeng sa bayan ng Enrile, Cagayan ng tig Php3,000 bawat isa samantalang 500 solo parent naman mula sa siyudad ng Tuguegarao ang nakakuha din ng parehas na halaga bawat isa.
Sa kabuuan, umabot sa Php3,000,000 cash assistance ang naipamigay sa mga Cagayano sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng kagawaran.
Dumalo sa naganap na programa sina DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, Senator Christopher Lawrence “Bong” Tesoro Go, Gov. Manuel N. Mamba, Gov. Rodolfo T. Albano III, Mayor of Enrile, Miguel B. Decena Jr., at Mayor ng Tuguegarao City, Maila Rosario S. Ting-Que.
Source: DSWD Region II