22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Youth for Peace Cagayan, nanguna sa pagbibigay talento sa Christmas Banchetto ng PGC

Ipinakita ng mga “Youth for Peace” Cagayan ang kanilang iba’t ibang talento kasabay ng pag-host ng 17th Infantry Battalion at 77th Infantry Battalion Philippine Army sa Christmas Banchetto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Mamba Gym, Cagayan Sports Complex noong Disyembre 18, 2022.

Tampok ng nasabing programa ang tinawag nilang “PEACE TA” o Festival of Talents kung saan inilabas ng mga kabataan at kasundaluhan ang kanilang galing sa pagsayaw, pagkanta, maging sa pagdrama.

Ang programa ay Pamaskong handog ng mga kasundaluhan at kabataan sa mga dating miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob na sa gobyerno.

Kaugnay nito, inihayag din ni 501st Infantry Brigade Commander BGen. Steve Crespillo ang pasasalamat sa PGC dahil sa pag-imbita sa kasundaluhan para lumahok at maipakita ang kanilang talento gayundin ang kanilang patuloy na suporta sa lahat ng programa ng Cagayan lalong-lalo na ang pagkamit sa katahimikan at kapayapaan ng probinsya.

Isang kanta naman ang inihandog ng Gobernador na sinayaw ng lahat kasama sina Col. Oliver Logan, Battalion Commander ng 17th IB; Lt. Col. Magtanggol Panopio ng 77th IB; Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor; mga Department Head ng kapitolyo at mga Consultant.

Samantala, pinasalamatan naman ni Governor Manuel Mamba ang bawat kasundaluhan dahil sa kanilang sakripisyo upang mahikayat ang mga teroristang NPA na isuko na ang armas at tuluyang magbalik-loob sa gobyerno.

Source: Cagayan Provincial Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles