Ginawaran ang 3 youth farmers ng City of San Fernando, La Union sa 2nd Batch CY 2022 Young Farmers Challenge Program sa Provincial Level Competition na pinangunahan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.
Mula sa 39 na nagwagi, kasama rito sina Vivien Joy Ducusin ng Barangay Bato sa kanyang J2V2 Hydroponics Farm, Jefferson Valdez ng Barangay Pacpaco para sa JAV’s Agtutubo Vegetable Farm, at Gerald Gurion ng Barangay Masicong sa kanyang Gerald’z Organic Fertilizer.
Binati naman sila ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto sa kanilang pagkawagi sa kanilang courtesy visit kasama ang mga kinatawan ng City Agriculture Office.
Bukod sa grant na kanilang matatanggap, mabibigyan din sila ng technical assistance sa Business Development upang mapabuti ang kanilang operasyon.
Samantala, nangangako naman ang Lokal na Pamahalaan ng City of San Fernando, La Union na patuloy nilang susuportahan ang kanilang mga nasasakupan at mas lalo pa nilang tutulungan ang mga ito upang mas malinang ang kanilang mga kakayahan.
Source: City Government of San Fernando, La Union