Nagsagawa ng 2-Day Investor Summit ang City Government ng Baguio sa Baguio Convention and Cultural Center Baguio City, nito lamang Disyembre 12-13, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na tinawag na RIDE (Rallying Investment for Development and Equity) Baguio.
Ang mga nakilahok ay naglahad ng iba’t ibang investment opportunities sa BLISTT o (Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay) gayundin ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise (CREATE) Law; at pamumuhunan para sa kaunlaran ng Baguio City.
Mariing sinabi ni Mayor Magalong na ang mga investors ay makakasiguro na sa kanyang administrasyon ay di mababahiran ng korapsyon bagkus ay tamang pamamahala para sa ikabubuti ng mga mamamayan, mamumuhunan at ng syudad.
Dagdag pa ni Mayor Magalong, “I enjoin everyone to continue to invest their time and trust for Baguio City to be a better city – a city proud of it’s rich heritage, confident of our collective competence, and working hard for a shared future.”
Source: PIA Baguio City