23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

72 na dating rebelde, nagbalik-loob sa probinsya ng Bataan

Nagbalik-loob sa gobyerno ang 72 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na ginanap sa Brgy. Pentor, Dinalupihan, Bataan nito lamang Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2022.

Nagkaroon ng symbolic signing ng Mass Withdrawal of Support to Communist Terrorist Group (CTG) at pagsunog sa watawat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang patunay sa pagtalikod sa nasabing makakaliwang grupo.

Nakatanggap naman ng grocery packs mula sa Bataan PNP ang mga dating rebelde.

Naging matagumpay ang pagsuko ng 72 na dating rebelde dahil sa walang sawang pakikipag-ugnayan ng Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), Bataan Police Provincial Office, Philippine Army at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Patunay lamang na naging epektibo ang programa ng pamahalaan laban sa insurhensiya at terorismo na walang ibang adhikain kundi ang kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles